Helping Hands

Helping hands

The photo is courtesy of PCN member floorbamboo. I saw it this morning when I was browsing through the PCN Flickr Group. I was so inspired by the image that I just had to feature it in the egroup's homepage.

It's a great eye-opener. Just one look and it made everything seem so clear - that in cycling, it doesn't matter if you're riding on a Big Cat or a Santa Cruz. What really matters is the rider and not the bike.

Here's Flor's story:

Hi Jovan!

Thanks for featuring this photo. I'll do more than tell you where it happened.
Magkukwento na rin ako.

Ang foto na ito ay kuha noong 24 Sept 2007 sa Montalban (Rodriguez), papunta pa lang kami sa Puray Falls via San Isidro.

Isa ito sa mga river crossings sa San Isidro going to Mascap, na lumaki na dahil sa ilang araw na pag-ulan. Inakala naming kaya naming tawirin ang parteng ito ng ilog dahil pinanood pa namin ang mga residente na tumawid. Kaya lang pagdating sa 3/4th ng pagtawid sa ilog, sa bahaging pinakamalalim (waist-deep), napakalakas na ng agos. Ang ilan sa amin eh hindi na kayang humakbang, dahil ang pakiramdam eh matutumba na kapag tinangka pang humakbang. Yung malalakas sa amin ang nagmamadaling umuna na sa pagtawid, ibinalibag ang kanilang bike sa kabilang pampang ng ilog, at binalikan ang mga tumirik na sa pagtawid. In turn, yung mga naunang naitawid ay tumulong na rin sa pagtawid sa mga nahuhuli pa. As you see captured on the photo.

Kaya makikita sa larawan yung dalawang pinakahuli sa amin ay tinutulungan na ng halos lahat. Walang nag-iwanan. Walang nagpabaya. Lahat tumulong sa abot ng makakaya.

And it instantly developed friendships din. Siguro dahil nagkasama hindi lang sa panahon ng saya (pagpadyak), kundi nagkatulungan din sa panahon ng pangangailangan. Kasi, dalawang grupo ang nagsama sa ride na ito, mga first time nag-meet - ang OnDaBag group at ang ilang members ng Montalban Cycling Club.

I am very proud of this photo, although I am more proud sa ipinakitang tulungan ng mga kapwa siklista sa panahon ng pangangailangan.

Flor

Comments